Wednesday, May 27, 2015

Gusto mo sumama sa Ultras Filipinas?

Teka, bagong fixture nanaman ulit, at World Cup Qualifiers na ito. Bagong stadium din ang gaganapan ng qualifiers. At madami ulit na fans ang gustong sumali sa Ultras Filipinas.

Handa ka na ba sa mga laro ng ating bansa, kapatid?

Ano ba ang hinahanap namin sa mga sumasali sa Ultras Filipinas?

1.) Commitment ng kanyang oras

Ang pagiging Ultras Filipinas ay umuubos ng oras, lalo na kung palapit na ang mga friendlies or mga qualifiers. Ang commitment ng oras ay isang PINAKAIMPORTANTENG requirement ng U.F.

2.) Commitment ng kanyang efforts

Ang pagsali sa ultras eh may karagdagang effort. Ineencourage namin ang mga sasali sa ultras na sumali sa diskusyon ng mga plano at maging aktibo sa pag-gawa ng mga tifos, pag-compose ng chants, at pagplaplano ng mga proyekto ng grupo.

3.) Pagiging pamilyar sa Ultras scene

Marami pang mga football fans dito sa Pilipinas ang hindi pamilyar sa Ultras Scene, kami ay nageencourage ng mga tao na manood ng mga videos sa internet tungkol sa mga ginagawa ng mga ultras.

Walang problema ang mga taong  sasali na walang alam sa ultras culture basta tayo ay open sa mga ganitong bagay.

4.) Walang kiyeme, walang hiya.

Ang gawain ng ultras ay moshing, pagchant tuwing me laban. Dapat tanggalin ang hiya at kyeme sa pagchant, para sa Pilipinas ito mga kapatid, kaya wala ka dapat ikahiya!

5) Pagiging isang myembro ng barkada at kapatiran

Huwag maging loner, pagiging isang tropa ay isang mahalagang aspeto sa pagsali sa Ultras Filipinas. Sa ultras, ikaw ay kabarkada ng katabi mo sa pwesto. Kapatid mo iyong nasa harapan mo, at kaibigan mo lahat ng tao sa grupo. Dapat nagtutulungan ang mga ultras para makamit ang mga layunin sa pagsuporta sa ating bansa.

6.) Isang proper mindset.

Dapat maisapuso na ang pagiging sa ultras ay hindi pagsali sa fansclub. Ang pagsali sa ultras ay pagsali sa isang grupo ng mga kapwa football fans na may mithiing sumuporta sa ating bansa. 

Ang pagsali sa ultras ay hindi isang pribiliheyo o isang bagay na dapat ipagmalaki sa ibang tao. Ang pagiging ultras ay isang karangalan, isang tungkulin na kailangang gampanan para suportahan ang watawat ng pilipinas sa futbol.

Ang pagsali sa ultras ay isang paraan para makahanap ng mga bagong kaibigan. Isa itong paraan para makahanap ka ng mga kapwa football fans na may adhikain, at may kaisipang kagaya sa iyo. Ang pagsali sa ultras ay isang bagay na magbubuklod sa mga taong may mithiing suportahan ang bansa sa larangan ng futbol.

_________________________________________________________________________________


Ngayon, kelangan nila ng supporta sa terraces, mga kapatid. Kailangan nila ng boses natin. Kailangan nilang malaman na tayong mga football fans ay narito, sumusuporta. Kung kaya nyo ang mga hinahanap namin sa mga tropa, rakenrol! Lahat tayo ay may potensyal, mga tol.

Kaya mga pre, takits sa mga laro ng ating national team. Tanggalin ang hiya, at tayo'y todo sumuporta.

IKAW NALANG ANG KULANG!